Mga programa para sa street vendors, inihatid ni Mayor Sonny katuwang ang Tanauan CCLDO!
Bilang suporta sa mga maliliit nating negosyante sa Lungsod, inilunsad ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Ccldo Tanauan sa pamumuno ni Ms. May Teresita Fidelino ang Tanauan Street Food Vendors Assistance Program para sa mga street vendors mula Poblacion 1, 2, 3 at 4.
Kabahagi sa pagbababa ng programang ito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at TCWCC President Atty. Cristine Collantes upang masigurong nabibigyan ng oportunidad ang ating mga kababayan pagdating sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo at ng lokal na ekonomiya ng lungsod.
Kaugnay rito, kabilang sa mga ibababang programa para sa mga street vendors ay ang mga sumusunod:
• Training on Personal Efficacy and Financial Literacy
• Training on Food Safety, Good Manufacturing Practices and Safe Food Handling
• Orientation to Environmental Protection
• Establishment of An Acceptable Common Vending Facility
• Management on Common Vending Areas
• Enforcement of Food Safety Practices
Samantala, kabilang din sa ipapaabot ng lokal na pamahalaan ayon kay Mayor Sonny ay ang Sonny Cart at tulong pinansyal para sa mga street vendors.