Mayor Sonny Perez Collantes Pinakita ang Suporta sa mga Magsasaka at Mangingisda

Nag-uumapaw na suporta ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa ating mga Magsasaka at Mangingisda!

Alinsunod sa kagustuhan ni Mayor Sonny Perez Collantes tampok sa pagtatapos ng Tanauan City Agriculture Week ang pagbibigay pagkilala at pamamahagi ng iba’t ibang Agricultural Inputs katulad ng fertilizers, seedlings at ibang pangunahing kagamitan para sa pagsasaka at pangingisda katuwang ang Office of the City Agriculturist at City Veterinarian Office.

mayor sonny collantes, mayor sonny perez collantes, tanauan city mayor, mayor of tanauan city batangas

Patuloy na binibigyang diin dito ng ating Punong Lungsod ang mga isinasagawang hakbang ng ating Lokal na Pamahalaan upang mapanatiling napauunlad ang industriya ng pagsasaka at pangisdaan sa Lungsod. Masaya niya ring ibinahagi ang kaniyang mga proyektong inilunsad upang lubos na makatulong sa kabuhayan at oportunidad ng ating mga magsasaka at mangingisda.

mangingisda, magsasaka, mayor sonny collantes, mayor sonny perez collantes, tanauan city mayor, mayor of tanauan city batangas

Nakiisa din sa nasabing programa si TWCC President Atty. Cristine Collantes, OIC, Field Operations Chief ng Department of Agriculture, G. Felix Joselito Noceda at Regional Manager ng PCA, G. Bibiano Concibido at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Atty. Jun Jun Trinidad Jr.

Samantala, tinatayang higit sa 700 magsasaka ang napagkalooban ng ibat ibang interbensyong pang-agrikultura at pangisdaan na siyang highlight ng nasabing programa.

Previous Mayor Sonny Collantes Binigyang-Pagkilala ang mga Philippine Coast Guard Non-Officers Graduates

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved