3 Day Community Fire Auxiliary Group Training, Tanauan

Pitong Barangay sa Lungsod, sumailalim sa 3 Day Community Fire Auxiliary Group Training!

Pitong Barangay sa Lungsod, sumailalim sa 3 Day Community Fire Auxiliary Group Training!
Kaalinsabay ng Fire prevention month, nagsagawa ang Bureau of Fire Tanauan ng Community Fire Auxiliary Group Training para sa 7 Barangay na miyembro nito.
Sa pangunguna ni BFP Tanauan Chief Inspector Rowena Ramos, kaniyang hinikayat ang buong Barangay sa Lungsod na makiisa at makibahagi sa mga programa ng kanilang ahensya na magbibigay ng kaalaman para sa kaligtasan ng kanilang komunidad. Kaniya ring tiniyak ang magandang kapakinabangan ng CFAG para sa paunang lunas at mas mabilis na pagresponde sa tuwing may magaganap na sunog.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa Barangay Covered Court ng Pantay Bata kung saan kinatawan ni Kapitan Miguel P. Manalo ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes.
Matatandaang bahagi ito ng mga adhikain ni Mayor Sonny na patuloy siyang makikipagtulungan sa mga ahensya ng Pamahalaang Nasyunal upang paigtingin ang kaayusan at kapayapaan sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Women’s Livelihood Development Program, inihatid nina Mayor Sonny Perez Collantes at Unionbank of the Philippines!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved