Pilipinas Shell Foundation, Tanauan

Pilipinas Shell Foundation at Batangas City Marketing Cooperative

IN PHOTOS | Pilipinas Shell Foundation at Batangas City Marketing Cooperative, magtutulungan para sa pagpapaunlad ng Market Development sa Lungsod ng Tanauan
Sa pagbisita nitong Biyernes sa Tanggapan ng mga Mamamayan ng mga kawani mula sa Batangas City Marketing Cooperative sa pangunguna nina Senior Program Officer Olive Otorio at Ms. Percy Mandigma at ng Pilipinas Shell Foundation, ilan sa napag-usapan ay ang planong pagpapaunlad ng ating Tanauan Packaging and Service Center, pagpapakilala ng produktong Tanauan at pagpapalawig ng Commercial Packaging Mentoring sa Lungsod ng Tanauan at Batangas.
Kasamang tinalakay rin sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga hakbang na maaaring pagtulungan ng dalawang lungsod para naman sa isasagawang provincial market development at tie-up partnership para naman sa pagbebenta ng produkto ng bawat siyudad sa bawat pasalubong center nito.
Bukod dito, nagsagawa rin ng benchmarking activity ang mga nasabing bisita katuwang si Tanauan CCLDO head Ms. May Teresita Fidelino upang alamin ang kasalukuyang operational enterprise ng ilan sa mga locally-assisted MSMEs sa Lungsod.
Samantala, nagpaabot naman ng suporta ang Pilipinas Shell Foundation para sa paghahatid ng kaukulang pangkabuhayan at skills training para sa mga mamamayang Tanaueรฑo.
Previous City Government of Tanauan Mushroom Production Project.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved