Youth empowerment, mas palalakasin sa Lungsod katuwang ang Local Youth Development Office at mga Local Youth Organization Partners!
Sa layunin ni Mayor Sonny Perez Collantes na mabigyan ng magandang bukas ang Lungsod ng Tanauan, patuloy ang kaniyang isinasagawang hakbang upang mabigyan ng mas malawak na mga programa ang sektor ng kabataan katuwang ang ating Local Youth Development Office sa pangunguna ni Mr. Rex Quimio.
Sa pamamagitan ng Youth As One Forum na isinagawa ngayong araw, nagtipon-tipon ang mga Lider Kabataan at SK Chairman ng bawat Barangay sa Lungsod, upang pagtibayin ang magandang ugnayan at pagbuo ng mas malawak na mga proyektong tutulong upang linangin at palakasin ang Sektor ng Kabataan sa Lungsod.
Habang nakiisa rin at nagsilbi bilang Guest Speaker sina Muntinlupa City Youth Affairs and Sports Development Office Department Manager Ms. Cynthia Viacrusis at Biรฑan City Youth and Sports Development Office Department Manager Mr. Benjo Suarez para talakayin ang malaking kontribusyon, importansya at mga programang dapat isulong ng isang LYDO sa Lungsod.