Patuloy na pamamahagi ng tulong sa bawat mamamayan ng Lungsod ng Tanauan

TINGNAN | Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaabot ng tulong ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa bawat Tanaueño, kung saan malugod niyang pinaanyayahan ang mga kababayan nating dumulog ngayong araw sa Tanggapan ng Mamamayan upang humingi ng tulong pinansyal sa ating Pamahalaang Lungsod.
Kabilang sa mga nahandugan ng tulong, ay ang mga kababayan nating nangailangan para sa burial assistance, kanilang pagpapagamot at pagda-dialysis.
Bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa lahat ng mga kababayan nating lubos na nangangailangan ng tulong mula sa ating Pamahalaang Lungsod.
Previous 42nd regular Flag Raising Ceremony

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved