42nd regular Flag Raising Ceremony

Training of Beauty Care, pagsulong ng Drug Free Barangay, bahagi ng 42nd regular Flag Raising Ceremony.
Bilang panimula ng Linggo, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad ang pagtataas ng Watawat ng Pilipinas.
Kasabay nito ang Lingguhang Ulat Bayan ni Mayor Sonny hinggil sa mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang mapabuti at mapaunlad ang Lungsod ng Tanauan.
Bahagi nito, ang isinagawang Training of Beauty Care noong nakaraang Linggo ng City Cooperative and Development Office kung saan layon nitong maturuan at mabigyan ng karagdagang kabuhayan ang ating mga Tanaueña. Kaniya ring ipinagmalaki ang natanggap na parangal ng kaniyang pinamumunuang 3rd Air Force Wing Reserve bilang “PAF Ready Reserve Wing of the Year for AY-2023”.
Inihayag niya rin na kaniyang ang pinasinayaan ang imbitasyon ng ating mga Kapulisan sa isinagawang Graduation Ceremony ng SIPAG Program para sa mga Drug Surrenders na layong isulong na mapuksa ang Droga sa bawat Barangay sa ating Lungsod.
Previous Tanauan Institute Batch ’83 reunion

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved