Panibagong 87 na mga Tanaueño ang napagkalooban ngayong araw ng tulong pinansyal

Regular na Pamamahagi ng Medical at Burial Assistance sa ilalim ng Local AICS, patuloy sa Pamahalaang Lungsod!
Panibagong 87 na mga Tanaueño ang napagkalooban ngayong araw ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Local Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) mula sa inisiyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Ina ng Ikatlong Distrito Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Colantes, City Treasurer’s Office at Tanauan Local Social Welfare and Development.
Ito ay bahagi ng regular na programa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan upang mabigyan ng Medical assistance at burial assistance ang ating mga kababayang nangangailangan.
Bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga kababayan nating nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.
Previous CALLING OUT ALL OUTSTANDING INCOMING GRADE 7 STUDENTS OF TANAUAN! PISAY IS NOW ACCEPTING APPLICATION FOR ACADEMIC YEAR 2023-2024

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved