Sonny Perez Collantes

PANGANGALAGA SA TAAL LAKE, PAIIGTINGIN

PANGANGALAGA SA TAAL LAKE, PAIIGTINGIN; Pamahalaang Lalawigan ng Batangas, Kongreso, at iba’t ibang LGUs, magtutulungan sa programa!
Naging matagumpay kahapon ika-04 ng Marso ang talakayan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Sagip Taal Lake (SATALA) kung saan layon nitong mapangalagaan at maisalba ang lawa ng taal na nakapalibot sa Tanauan.
Sa programa, inilatag nina SATALA President Mr. Nelson Terrible, Former Tanauan Mayor Paquito Lirio, Batangas Forum President Mr. Gigi Platon, Talisay Mayor Nestor Natanauan at pamunuan ng Knight of Columbus ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga komprehensibong programa at pagkilos upang maprotektahan ang natatanging ganda ng lawa.
Nabanggit din ang malaking epekto ng polusyon sa lawa tulad ng maling pagtatapon ng basura na nagdudulot ng fish kill at banta sa kalusugan ng ating mga kababayan. “Hindi natin pababayaan ang lawa ng Taal, dahil ang lawa ng Taal ay ang mga taga-Tanauan, ngayong araw na ito’y gagawin natin ang matagal nang kailangan, ang magtulong-tulong para mapangalagaan ang lawa ng taal”, saad ni Mayor Sonny Perez Collantes .
Nagpaabot naman dito ng suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes , Bokal Fred Corona, Sangguniang Brgy. Ambulong—Kapitana Liza Panganiban, Brgy. Gonzales—Kapitan Rico Alcazar, Brgy. Wawa—Kapitan Sofronio Garcia, TCWCC President Atty. Cristine Collantes, 3rd District of Batangas Representative Chief of Staff Atty. King Collantes at mga pribadong sektor, para sa mga plano at ihahaing aksyon sa lawa ng Taal.
Matatandaang pangatlo ang Taal Lake sa pinakamalaking lawa sa buong Pilipinas kung saan pinagkukunan ito ng hanapbuhay ng mga nakapalibot na komunidad. Nanindigan naman si Mayor Sonny na determinado ang Pamahalaang Lungsod na malinis at mas mapangalagaan ang lawa na magiging sagisag nang tuloy-tuloy na pagbangon ng Tanauan at pagpapaunlad ng turismo’t kabuhayan sa tabing lawa ng Taal.
Previous SIGLAWUAN (Siglang Lawa ng Tanauan) 2023, Tagumpay na naidaos ngayong araw!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved