SIGLAWUAN (Siglang Lawa ng Tanauan) 2023, Tagumpay na naidaos ngayong araw!
Alinsunod sa layunin ni Mayor Sonny Perez Collantes na muling pasiglahin ang turismo ng Lungsod, tagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, katuwang ang Community Affairs Office – Tourism ang SIGLAWUAN (Siglang Lawa ng Tanauan) kung saan tampok ang iba’t ibang aktibidad na nilahukan ng ating mga Tanaueño bilang bahagi ng ating selebrasyon sa ika-22 Anibersaryo ng Lungsod ng Tanauan.
Kabilang din sa nakiisa sa masayang pagdiriwang na ito sina Congw. Maitet Collantes, Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na nagpahayag ng kanilang suporta upang muling bigyang-kulay ang ating ipinagmamalaking Bulkang Taal at Lawa nito.
Samantala, narito naman ang mga nakakaaliw na mga aktibidad ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang Community Affairs Office (CAO) sa pangunguna nina Mr. Ed Jallores at Ms. Marilyn Calimag ng Tourism Division:
Fun Run
Kayak Sprint
Beach Volleyball
Kayak Race
Bangkarera
Kabilang din sa itinampok dito ang natatanging ganda ng Lawa at ang mga kaakit-akit na pasyalan na nakapaligid dito kabilang ang Sabang River Eco Park. Habang, maraming mga kababayan natin ang lumahok at nakiisa kabilang ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod.
Ang SIGLAWUAN ay isa lamang sa marami pang programa ng pamahalaang lokal upang mapanumbalik ang sigla ng likas yaman at kultura na tunay na maipagmamalaki, hindi lamang sa buong Lalawigan ng Batangas, lalo’t higit sa buong Pilipinas.