Pangangalaga at Pagprotekta sa mga kababaihan sa Lungsod ng Tanauan

Pangangalaga at Pagprotekta sa mga kababaihan sa Lungsod, binigyang diin ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang mga Barangay VAWC Officer!
Nagkaroon ng pagpupulong ngayong araw ang mga Barangay Violence Against Women and Children Officer ng bawat komunidad para sa pagpapalawig ng mga programang mangangalaga at poprotekta sa karapatan ng bawat kababaihan at kabataan sa Lungsod.
Kabilang sa inihayag ni Mayor Sonny ang paghikayat sa bawat isa na maging mata at boses ng bawat kababaihan sa Lungsod laban sa mga karasahan. Pinaaalalahanan niya rin ang mga opisyal na patuloy na paigtingin ang pagbabantay upang mapigilan ang pang-aabuso sa sektor ng mga kabataan at kababaihan.
Previous Pagsulong ng mataas na kalidad ng edukasyon sa Lungsod ng Tanauan!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved