Pagsulong ng mataas na kalidad ng edukasyon sa Lungsod ng Tanauan!

Pagsulong ng mataas na kalidad ng edukasyon sa Lungsod ng Tanauan!
Masaya po akong ibabalita sa bawat isang Tanaueño na sabay-sabay nating pormal na nilagdaan ang sumusunod na resolusyon:
✓ Aprubadong 2023 Special Education Fund (SEF) Budget
✓ Konstruksyon ng National Child Development Center
✓ Espesyal na programa para sa Science-Research ng mga mag-aaral mula Tanauan City High School, patungkol sa pagpapahaba ng life span ng ipinagmamalaki nating Tawilis.
✓ TESDA National Competency I and II para mga TVL Learners sa Pantay Matanda IHS, Balele IHS at Tanauan School of Fisheries
✓ Konstruksyon ng karagdagang mga School Buildings sa mga Pampublikong Paaralan (Approved as amended)
Makakaasa po kayong patuloy ang ating pagsisikap na mas palakasin pa ang sektor ng edukasyon sa lungsod. Magiging daan po ito upang ang bawat kabataang Tanaueño ay maitawid ang kanilang mga pangarap at maging isang mahusay at produktibong mamamayan sa hinaharap!
Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan! Karunungan tungo sa Kaunlaran!
Previous Pagkilala sa Husay at Dedikasyon ng Apat na Kadete Mula sa Philippine National Police Academy!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved