Mas sistematiko at maayos na serbisyong publiko ang mas mararamdaman ng bawat Tanaueño sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Sonny Perez Collantes matapos gawaran ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ng ISO Certification ngayong araw sa pangunguna ng PT ACube TIC International (PT AJA Sertifikasi Indonesia) na nagsilbing ISO Auditing Team ng mga serbisyong inihahatid ng lokal na pamahalaan.
Bago makamit ang nasabing sertipikasyon ay isinagawa muna ang 2-stage auditing sa 14 Core Processes at 12 Support Processes ng mga sumusunod na tanggapan ng lokal ng pamahalaan katuwang sina Certification Manager Ms. Czharina Buaquena at Marketing Specialist Ms. Connie Pabalan:
• Office of the Secretary to the Sangguniang Panlungsod
Ang ISO 9001:2015 ay pamantayan upang tingnan at siguraduhin ang sa Quality Service Management ng bawat organisasyon na tanda ng produktibo at pagpapabuti ng proseso ng mga serbisyo ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan para sa bayan.