Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at mga Partnered Hospitals sa Distrito, magtutulungan para sa sistematikong implementasyon ng C-Card!
Isang makabuluhang talakayan ngayong araw ang pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ng Barangay Affairs Office kasama ang mga kinatawan ng mga ospital sa Ikatlong Distrito patungkol sa pagbuo ng Memorandum of Understanding at implementasyon ng Citizen Card o C-Card.
Kabilang sa mga nakiisa rito ay sina TWCC President Atty. Cristine Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, mga Department Managers at mga kinatawan ng mga sumusunod na ospital upang matutugunan ang medikal na pangangailangan ng ating mga Tanaueño:
CITY OF TANAUAN
• C.P. Reyes Hospital
• Gonzales Medical and Children’s Hospital Inc.
• Daniel O. Mercado Medical Center
• H.M. Corachea General Hospital
CITY OF STO. TOMAS
• St. Frances Cabrini Medical Center
• Santo Tomas General Hospital
• Saint Vincent de Paul Hospital
TALISAY, BATANGAS
• Global Care Medical Center of Talisay, Inc.
Kabilang din sa pinag-usapan ay ang proseso at mga probisyong ipatutupad sa pagitan ng mga ospital at pamahalaang lungsod para sa mabilis na hospitalization at social services para sa ating mga kababayang botante ng Lungsod.
Samantala, kasalukuyan na rin ang pagbaba sa mga barangay ng mga kawani ng Barangay Affairs Office katuwang ang Smart at PLDT para sa isinasagawang C-Card registration. Abangan lamang ang anunsyo sa inyong mga barangay.