Oathtaking Ceremony ng mga bagong Opisyales ng Pillar Village Homeowners

Oathtaking Ceremony ng mga bagong Opisyales ng Pillar Village Homeowners, naging matagumpay!
Upang masigurong naibababa sa bawat komunidad ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod, patuloy ang pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa iba’t ibang Homeowners Association sa Lungsod para maging kabahagi sa mas malawak na paghahatid ng mga programa para sa ating mga kababayan.
Kasabay nito ang Oathtaking Ceremony ng Pillar Village Homeowners Association na pinangunahan at pinasayahan ng ating butihing Punong Lungsod, habang nagsilbi bilang witness ang ating Ina ng Ikatlong Distrito Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes.
Sa isang pahayag, binigyang diin ni Mayor Sonny na bukas ang Tanggapan ng mga Mamamayan sa kanilang mga pangangailangan at kahilingan para sa kaayusan at pagpapabuti ng kanilang komunidad.
Previous Mga bagong benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved