Mga atletang Tanaueño

Mga atletang Tanaueño, patuloy na binibigyan ng suporta ng Pamahalaang Lungsod!

Mga atletang Tanaueño, patuloy na binibigyan ng suporta ng Pamahalaang Lungsod!
Nagtungo ngayong araw ang mga opisyales ng Tanauan City Tennis Club upang personal na ipaabot ang pasasalamat sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes dahil sa ipinaayos at pinaganda nitong Tennis Court para sa kanila.
Ang nasabing proyekto ay bunga ng pagtutulungan nina Mayor Sonny at Konsehal Ben Corona katuwang si Mr. Marco Amurao na layong suportahan ang iba’t ibang larong pampalakasan sa Lungsod kabilang na ang Tennis.
Bukod dito, patuloy ang mga isinasagawang hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang matugunan at mabigyan ng suporta ang pangunahing pangangailangan ng bawat atletang Tanaueño.
Previous Association of Local Social Workers and Development Office Inc. (Batangas Chapter) Quarterly Meeting!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved