Pagtaguyod ng isang Business-friendly City at paglikha ng kabuhayan para sa mga Tanaueño, patuloy na binibigyang prayoridad ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Philip Morris Fortune Tobacco Corp., Inc.
Sa masigasig na pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa mga mamumuhunan sa Lungsod ng Tanauan, magkasama nilang dinaluhan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang Groundbreaking and Unveiling Ceremony para sa Smoke Free Products facility/ buildings ng Philip Morris Fortune Tobacco Corp., Inc. (PMFTC) na pinangunahan ni PMFTC Director Nicolas Souvlakis na ginanap sa First Philippines Industrial Park sa Brgy. Ulango.
Kasabay nito, binigyang papuri ni Director Souvlakis ang ibinibigay na suporta ng ating Punong Lungsod sa mga investors sa Tanauan kung saan mas napapadali na ang mga proseso at nabibigyan na nang katuparan ang kanilang layunin na paunlarin at lumikha ng mas maraming trabaho sa Lungsod ng Tanauan.
Binigyang diin naman ng ating butihing Mayor na patuloy siyang makikipagtulungan sa mga investor para sa kaniyang hakbangin na maitaguyod na paunlarin ang ekonomiya ng ating Lungsod at kilalanin bilang isang Business -Friendly City sa buong Pilipinas.
Nagbigay rin ng munting mensahe si Congresswoman Maitet na siya ay gagawa ng mga batas na magpapalawig upang mapangalagaan ang mga mamumuhunan hindi lamang sa ating Lungsod kundi sa buong ikatlong distrito ng Batangas.
Naging bahagi rin nito sina PMFTC Director Production Marketing Sivinee Pinthong, Sta. Clara Construction Management Tony Pascua, FPIP Ricky Carandang at Global Visions Events & Marketing Network Inc. na nakiisa sa nasabing seremonya.
Ang naturang pasilidad ay mayroong 12,300 square meter para sa makabagong produkto ng PMFTC na layong gawing alternatibo upang mas maging ligtas ang ating mga kababayan laban sa banta sa kalusugan ng paninigarilyo.