ANUNSYO TANAUEÑO | Libreng Kasalang Bayan 2023

ANUNSYO TANAUEÑO | Libreng Kasalang Bayan 2023
Bilang handog ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa ating mga kababayang nagmamahalan ngayong paparating na Araw ng mga Puso, magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, katuwang ang Local Civil Registrar Office ng Libreng Kasalang Bayan 2023 sa ika-14 ng Pebrero.
Sa mga interesadong mga magsing-irog, dalhin lamang ang mga kinakailangang dokumento at pumunta sa Tanggapan ng Local Civil Registrar mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM sa New Tanauan City Hall, Brgy. Natatas, Tanauan City.
Ang deadline ng aplikasyon ay hanggang ika-02 ng Pebrero. Para sa iba pang impormasyon maaaring hanapin sina Ms. Edna Garcia (09217879767) at Ms. Mylene Lira (09476208837).
Maraming Salamat po!
Previous Mayor Sonny Perez Collantes at City Schools Division of Tanauan, umani ng pagkilala sa 2022 CALABARZON Education Summit!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved