Dagdag na 36 na mga Bagong Guro sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan

Mga Dagdag na Bagong Guro sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan, Pormal nang nanumpa kay Mayor Sonny Perez Collantes!
Pormal nang nanumpa kahapon, ika-15 ng Mayo ang 36 namga guro (newly-hired, promoted, substitute at transferred) sa Lungsod ng Tanauan kung saan pinasinayaan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes bilang kanilang administering officer at nagsilbing saksi si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes.
Kasabay nito, nagpasalamat din ang ating Punong Lungsod sa kanilang pakikipagtulungan upang maghatid ng mahusay at dekalidad na edukasyon para sa ating mga kabataang Tanaueño.
Sa kasalukuyan, naka-deploy na sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Lungsod ang mga nasabing guro at katuwang na ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng full face-to-face classes
Previous Regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved