Pagsulong ng Insurgency-free City, bibigyang prayoridad nina Mayor Sonny

Pagsulong ng Insurgency-free City, bibigyang prayoridad nina Mayor Sonny. mga Punong Barangay katuwang ang 591 Battalion Tulos Rosario Batangas!
Nagsagawa ng konsultasyon ang mga opisyal mula sa Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army) mula sa 591 Battalion Tulos Rosario Batangas kasama sina Sergeant Malinlin, PFC Arandela at Tanauan City PNP John Rellian ngayong araw sa Tanggapan ng Mga Mamamayan.
Ang nasabing konsultasyon ay isang inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod upang isulong ang isang Insurgence-free City na layong ibaba ang nasabing hakbang sa bawat Barangay sa Lungsod ng Tanauan alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Samantala, patuloy na nagtutulungan at nagsusumikap ang Philippine Army mula sa 591B, Philippine National Police at mga kawani ng bawat Barangay upang mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Samahang Maggagatas ng Batangas Cooperative (SAMABACO) sa Brgy. Tinurik

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved