Pagsisimula ng 18-Day Campaign to End VAW sa Lungsod ng Tanauan, Tagumpay ngayong gabi!
Nagmala-kulay kahel ang buong New Tanauan City Hall bilang tanda ng pormal na pagsisismula ngayong araw, ika-25 ng Nobyembre ng 18-Day Campaign to End VAW sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng Gad Tanauan (GAD).
Mula sa temang United As One: Walang Maiiwan sa VAW-Free Tanauan, binigyang-diin ni Mayor Sonny ang kahalagahan ng mga kababaihan sa ating lipunan, lalo’t higit sa Lungsod ng Tanauan. Aniya, ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa Lungsod kung kaya ating igalang, pahalagahan at kilalanin ang kanilang mga kontribusyon at protektahan mula sa anumang karahasan.
Habang nakiisa rin ang ating Ina ng Ikatlong Distrito Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes kung saan kaniyang ibinahagi ang ilang mga paalalang sisigurong patuloy na maninidigan ang Kongreso upang ipaglaban ang karapatan at maghatid ng mga programang huhubog sa kakayahan, talino at husay ng ating mga kababaihan.
Kabilang din sa nagbigay ng mahalagang mensahe patungkol sa karapatan ng mga kababaihan sa Lungsod si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes, aniya, mahalaga ang karapatan at papel ng kababaihan sa ating Lungsod, kaya siya ay patuloy na maninindigan at ipaglalaban ang kampanya tungo sa isang VAW-FREE TANAUAN. Bilang pagsuporta, nakiisa rin si Philippine Commission of Women Deputy Executive Director for Operation Maria Kristine Josefina Balmes.
Samantala, naghandog ng espesyal na kanta ang mga miyembro ng Tanauan City Coordinating Council. Habang bilang interpretasyon ng kasalukuyang suliraning kinakaharap ng mga kababaihan, nagpakitang-gilas ang ating mga mag-aaral mula sa DMMC Institute of Health Sciences, St. John Academy at La Consolacion College-Tanauan.
Para sa iba pang detalye, narito ang mga inihandang aktibidad ng Pamahlaang Lungsod para sa ating mga Tanaueña: