Pagbuo ng mga Child-Protection Programs para sa Lungsod ng Tanauan

Pagbuo ng mga Child-Protection Programs para sa Lungsod ng Tanauan, pinag-usapan sa 4th Quarter Local Council for the Protection of Children
Sa pangunguna ni Local Council for the Protection of Children Chair Mayor Sonny Perez Collantes, tagumpay na pinasinayaan ngayong araw ang unang pagpupulong ng Pamahalaang Lungsod para sa 4th Quarter Local Council for the Protection of Children upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan at programang ipinatutupad alinsunod sa proteksyon at karapatan ng Kabataan Tanaueno.
Tinalakay rin dito ang mga tungkulin ng bawat miyembro kabilang na ang pagsisigurado na ang ating lokal na pamahalaan ay nakasusunod sa itinakdang indicators ng Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) ng DILG.
Bukod dito kasama din si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes, LCSP Vice Chair at Gender and Development Office (Gad Tanauan) Head Ms. Vickie Javier, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kinatawan ng iba’t ibang Tanggapan sa pagbuo ng LCPC Annual Work at Financial Plan (AWFP) na layuning maghatid ng mga interbasyong reresolba sa mga kasalukuyang suliranin ng sektor ng kabataan.
Habang dinaluhan din ito nina Meraiah Garcia at Mac Raven Manalo mula Boot National Highschool na nagsilbing kinatawan ng mga kabataang Tanaueño para sa mga isasagawang programa at polisiyang tutugon sa pangangailangan ng lahat ng kabataan sa Lungsod, partikular na sa aspeto ng edukasyon, sports, pang-kalusugan, at kaligtasan.
Previous 3-Day Basic Training Course

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved