3-Day Basic Training Course

3-Day Basic Training Course para sa ating Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars, muling inihatid ng Pamahalaang Lungsod!
Para sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan, patuloy na isinasagawang ngayong araw ang Basic Taining Course para sa karagdagang 49 na mga Barangay Health Workers at 10 Barangay Nutrition Scholars ng ating Lungsod sa Collantes Center, Brgy. Poblacion 4.
Ang programang ito ay inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) upang masigurong napapanatiling malusog at ligtas mula sa mga sakit ang ating mga mamamayan sa tulong ng ating mga BHW at BNS.
Bukod rito, personal ding nagpaabot ng suporta at pagbati ang ating Ina ng Ikatlong Distrito, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa ating mga Tanaueñong kalahok ng nasabing programa. Binigyang-diin din niya na laging bukas ang kaniyang Tanggapan para sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
Previous Mga negosyanteng namumuhunan sa Tanauan, patuloy ang pagkonsulta sa ating Punong Lungsod!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved