Pagbuo ng malawakang programa para sa mag-aaral ng Tanauan City College

Pagbuo ng malawakang programa para sa mag-aaral ng Tanauan City College, inihayag ni Atty. Cristine Collantes kasabay ng kanilang Feb-Ibig Month Activities!
Nagkaroon ng isang Valentine’s Special party ang Tanauan City College sa Tanauan City Gymnasium 2 bilang pakikiisa ng mag-aaral kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso kahapon.
Dumalo rito at nakiisa si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes para ipaabot sa mga mag-aaral ang mga programang pang-edukasyon ni Mayor Sonny Perez Collantes upang makatulong sa pag-abot ng pangarap ng bawat kabataang Tanaueรฑo.
Nangako rin si Atty. Cristine na siya ay makikipagtulungan sa ating Punong Lungsod para sa mas malawak na mga programa sa bawat mag-aaral na tutugon sa mga pangunahing pangangailangan sa sektor ng edukasyon.
Kaugnay nito, nagkaroon ng iba’t ibang patimpalak para sa mga estudyante tulad ng spoken word poetry at Food booth exhibit ng ng bawat departamento at organisasyon ng Paaralan. Binigyan ding parangal ang mga leader ng bawat Colleges para sa kanilang partisipasyon at pagtulong sa nasabing aktibidad.
Previous 3rd Air Force Wing Reserve, handang makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved