3rd Air Force Wing Reserve, handang makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod.

3rd Air Force Wing Reserve, handang makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod para sa mabilis na operasyon tuwing may kalamidad sa Lungsod!
Nakahandang sumuporta ang puwersa ng Philippine 3rd Air Force Wing Reserve, matapos bumisita si PAF LTC Rodolfo Lubis sa Tanggapan ng mga Mamamayan upang makipagpulong hinggil sa pakikipagtulungan ng kanilang ahensya sa tuwing may kalamidad at sakuna sa Lungsod.
Ipinaabot din ni Mayor Sonny Perez Collantes na bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang isasagawang programa at handang maipagamit ang Tanauan City Hall sakaling mayroong isasagawang mga Seminars at Conference patungkol sa calamity response at emergency operations.
Matatandaang malaki ang naitulong ng Philippine Air Force sa ating Lungsod noong kasagsagan ng pagputok ng Bulkan kung saan bahagi nito ang ating butihing Mayor upang magampanan ang kaniyang tungkulin bilang Brigadier General at Commander ng 3rd Air Force Wing Reserve.
Previous CGT-City Information Correspondents Oathtaking Ceremony

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved