Binisita ngayong hapon nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang ginaganap na rehearsal ng Binibining Tanauan 2024 sa Pres. J.P. Laurel Gymnasium 1.
Ang paghahandang ito ay bahagi ng nalalapit na Pre-pageant at Coronation Night ng mga 46 na mga kandidatang lalahok sa naturang pageant sa darating na Marso na kasabay ng pagdiriwang ng 23rd Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Tanauan.