Ang buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-23 taong anibersaryo ng pagiging Lungsod ng ating mahal na Bayan ng Tanauan.
Kaugnay nito, iba’t ibang aktibidad din ang inihanda ng Lungsod para sa pagdiriwang na ito tulad ng TAN-A-WE Festival Dance Competition at Thanksgiving Concert na magsisimula ng 3:00 PM sa Plaza Mabini ngayong araw.
Halina’t makiisa at Tan-a-we ang panibagong yugto ng ating bayan tungo sa mas progresibong lungsod para sa bawat mamamayang Tanaueรฑo.