Pamamahagi ng Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Barangay Ulango

Pamamahagi ng Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Barangay Ulango, pinangunahan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes!
Bilang katuparan sa pangangailangan sa sektor ng Edukasyon, naging matagumpay ngayong araw ang pamamahagi ng Educational Assistance para sa higit 500 na mga benipisyaryong mag-aaral sa Barangay Ulango.
Katuwang ang Barangay Affairs Office sa pamumuno ni Ms. Jiennch Nones kasama ang City Treasurer’s Office at Sangguniang Barangay ng Ulango naisagawa ang paghahatid ng programa sa nasabing Barangay.
Bahagi rin nito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes, at TCWCC President Atty. Cristine Collantes na nakiisa para sa mas malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Kasabay rin nito ang Pilot Release ng City Citizenโ€™s Card para sa nalalapit na launching nito ngayong buwan, naglalaman ito ng tulong pinansyal na maaaring mapakinabangan ng bawat residente sa Lungsod para sa pagpapagamot at pag-aaral ng kanilang mga anak.
Previous Libreng bakuna kontra Polio, Rubella, at Tigdas para sa mga sanggol

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved