Mga bagong benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students

Mga bagong benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students, magiging katuwang ni Mayor Sonny sa paglilingkod para sa ating mga kababayan!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina Atty. Cristine Collantes at Community Affairs Office Head Edison Jallores, kaniyang hinimok ang mga kabataan na pahalagahan ang mga benepisyo at tungkuling ipinagkaloob sa kanila ng ating Lokal na Pamahalaan.
Sa pamamagitan din ng programang ito na magbibigay ng on the job training experience sa mga estudyante at Out-of-School Youth, hangad nitong makahikayat sa mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap at pag-aaral upang mas maging responsable at mahusay na bukas ng ating Lungsod.
Bukod pa rito kaniyang inihayag na patuloy ang pagbuo ng malawakang mga programa ng Pamahalaang Lungsod para sa sektor ng Edukasyon na lilinang sa angking husay ng bawat kabataang Tanaueño.
Previous IKA-125 NA ARAW NG KALAYAAN NG BANSANG PILIPINAS

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved