Mga Serbisyong Pangkalusugan, inihatid ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kababayan!

Mga Serbisyong Pangkalusugan, inihatid ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kababayan!
Sa patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kababayan, isinagawa na ngayong Lunes ang Programang Pangkalusugan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Health Office at mga Punong Barangay sa Lungsod na ginanap sa Gymnasium ng Tanauan Institute Inc.
Kabilang sa mga Healthcare Services na ibinaba ang Bakuna Kontra Pneumonia at Meningitis at Bakuna Kontra Kanser sa Matres. Kasabay rin nito ang pamamahagi ng Dengue Prevention Kit, Treated Mosquito Nets, Oral Hygiene Kit at Toilet Bowl bilang tugon sa pangangailangang pangkalusugan ng ating mga kababayan.
Bukod dito, patuloy pa ang isinasagawang hakbang ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang bumuo ng mga programang mangangalaga at magbibigay seguridad sa kalusugan ng ating mga Tanaueño.
Previous Pagsulong ng Insurgency-free City, bibigyang prayoridad nina Mayor Sonny

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved