Mga Programang Pangkalusugan, inihatid ng Tanauan City Health Office ngayong Women’s Month

Mga Programang Pangkalusugan, inihatid ng Tanauan City Health Office ngayong Women’s Month
Sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanauan City Health Office, ilang mga programang pangkalusugan ang inilunsad para sa ating mga kababaihan bilang bahagi sa ng selebrasyong ng buwan ng mga kababaihan ngayong Marso.
Ilan sa mga programang pangkalusugan na isinagawa ay ang Pap Smear na nakapagtala ng 347 mga kababaihan ang nakinabang upang malaman kung sila ay may sintomas ng cervical cancer.
Samantala, 24 na kababaihan naman ang sumailalim sa Bilateral Tubal Ligation katuwang ang Commission on Population and Development, Batangas Provincial Health Office, at Laurel Memorial District Hospital.
Gayundin, nagsagawa ng Surgical Mission din ang St. Luke’s Medical Center Foundation para sa 107 kababayan nating nangailangan ng sumailalim sa Minor at Major Operations.
Patunay lamang ito na ang sector ng kababaihan ay may mahalagang gampanin sa lipunan kaya dapat pahalagahan at ingatan.
By: Tanauan City Health Office
Previous Mga mangingisda na naapektuhan ng Tawilis Closed Season, nakatanggap ng tulong pinansyal

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved