Mayor Sonny Perez Collantes, Collantes

Mga mangingisda na naapektuhan ng Tawilis Closed Season, nakatanggap ng tulong pinansyal

Mga mangingisda na naapektuhan ng Tawilis Closed Season, nakatanggap ng tulong pinansyal mula kina Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. King Collantes!
Tinatayang nasa 233 na mga kababayan nating mangingisda ang nahandugan ng tulong pinansyal ngayong araw sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. King Collantes katuwang ang tanggapan ng Office of the City Agriculturist, City Treasurer’s Office at City Social Welfare and Development Office.
Namahagi rin ng tig-lilimang kilong bigas na bahagi ng suporta sa kanila ng Pamahalaang Lungsod ngayong Closed Season ng Tawilis sa Lawa ng Taal. Bukod dito, hakbang din ito ng ating Punong Lungsod upang bigyang daan ang breeding season upang maparami ang tawilis para sa mas masagang ani sa susunod na taon.
Samantala, ipinamahagi rin ngayong araw ang Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) bilang suporta sa medikal na pangangailangan ng ating mga kababayan. Kasabay nito ang Cash Incentives para sa ating mga Senior Citizens na may edad 85 pataas.
Previous First Quarterly Meeting ng Batangas Federation of PESO Managers at DOLE-Batangas

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved