Mga Programa para sa sektor ng Kalalakihan, tinalakay sa KATROPA Symposium,
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Health Office, ganap na pinasinayaan kaninang umaga ang KATROPA Symposium na dinaluhan ng ating mga kalalakihang bahagi ng PNP Tanauan City, BFP Tanauan City, BJMP Tanauan City at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.
Ayon kay Mayor Sonny, pamamaraan ito ng Pamahalaang Lungsod na upang mabigyan-kaalaman na kanilang maibabahagi sa komunidad sa pamamagitan ng kanilang mga tungkulin at propesyon.
Kabilang din sa tinalakay na mga paksa rito sa tulong ni Capacity Development/Field Coordinator Mr. Emmanuel Buela ay ang Gender Equality, Responsible Sexual and Reproductive Behavior at mga programang maaaring maibahagi ng samahan patungkol sa sektor ng kalalakihan.