Pangangalaga sa kalusugan ng mga Tanaueno, tututukan ni Mayor Sonny at Card SME BANK!

Pangangalaga sa kalusugan para sa mga Tanaueno, magkatuwang na tututukan ni Mayor Sonny at Card SME BANK!
Ngayong umaga ay malugod na tinanggap nina Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator Wilfredo Ablao ang handog na mga Alcohol, Dishwashing Liquid, Handwashing Liquid at mga gamot mula sa mga opisyales ng CARD SME BANK para sa ating mga kababayan.
Bukod pa rito nagkaroon ng makahulugang pagpupulong ang naganap hinggil sa pagiging handa ng Pamahalaang Lungsod sa posibleng mga kalamidad at sakunan na paparating, kung kaya’t inihayag ng CARD SME Bank na magiging kabahagi sila sa mga hakbang ng ating Lokal na Pamahalaan upang maproteksyonan at mapangalagaan ang ating mga kababayan.
Samantala, sa patuloy na pakikipag-usap ni Mayor Sonny sa iba’t ibang organisasyon at kumpanya sa ating Lalawigan, mas pinalalawig nito ang magandang ugnayan upang makabuo ng sistematikong mga programa na magpapabuti sa pamumuhay ng bawat pamilyang Tanaueño.
Previous Maligayang Pagtatapos, Daycare Center students!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved