Tanauan, Barako Festival

Mga produktong Tanauan, ibinida sa Barako Festival 2024!

Bilang pagpapakilala sa mga ipinagmamalaking produkto ng ating Lungsod, nakiisa ang Tanauan sa ginaganap na Barako Festival sa Lungsod ng Lipa.

Barako Festival 2024!, Tanauan

Sa pagsisimula ng programa ngayong araw naging bahagi ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at Congw. Maitet Collantes para sa inihandang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Lipa sa pangunguna ni Mayor Eric Africa at dating Gobernadora Vilma Santos-Recto bilang hudyat ng pagsisimula ng nasabing pagdiriwang.

Barako Festival 2024, Vilma Santos, Tanauan

Makikita naman sa Tanauan Booth Display ang iba’t ibang Lokal na Produkto ng ating Lungsod katulad na rito ang mga gawa ng mga kooperatiba, mga kababaihan at ng ating mga MSMEs na nagpapakilala sa kultura, tradisyon at pagkakakilalan ng ating Lugar.

Tanauan City

Samantala, umabot sa mahigit 2,000 ang nakikiisa at lumahok. Magtatagal naman ito hanggang Sabado, ika-16 ng Marso 2024.
Previous Grand opening of Barako Fest 2024!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved