Grand opening, Tanauan City

Grand opening of Barako Fest 2024!

Nagpaabot tayo ng suporta kasama ang ating Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa matagumpay na Grand Opening ng “Barako Fest 2024” na idinaos sa Lipa City, Batangas!

Grand opening of Barako Fest 2024!, Tanauan City

Ito po ang pinakalamalaking Festival na idinadaos sa South Luzon kung saan ay mahigit kumulang 500 Micro Businesses sa buong Batangas ang nakalatag sa 1.7 km na bypass road— 200,000 din na mga kababayan natin ang inaasahang dumalo sa iba’t ibang aktibidad na matatagpuan dito.

Mayor Sonny Collantes, Tanauan

Nakatutuwa rin na sa okasyong ito’y muli nating nakasama ang mga kapwa natin Mayor mula sa iba’t ibang Bayan at Lungsod sa Lalawigan ng Batangas — nakiisa rin dito ang mga kinatawan ng iba’t ibang Distrito ng Batangas kasama si Vice Governor Mark Leviste.

Maraming salamat din po sa imbitasyon ni Hon. Vilma Santos-Recto, Finance Secretary Ralph Recto at Lipa City Mayor Eric B. Africa!

Ipinagmamalaki natin ang tradisyon ng mga kapwa natin Batangueño! Mabuhay ang nagkakaisang Lalawigan ng Batangas!

Previous Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved