Mga Investor na nais magnegosyo sa Lungsod, patuloy na pinakikinggan ni Mayor Sonny Perez Collantes.

Mga Investor na nais magnegosyo sa Lungsod, patuloy na pinakikinggan ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa kanilang mga pangangailangan!
Sa adhikain ng ating Punong Lungsod para sa isang Business-friendly Tanauan at paglikha ng kabuhayan sa ating mga kababayan, patuloy ang kaniyang pakikipagpulong sa mga investors na nais mamuhunan sa ating Lungsod, kung saan bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw sina Mr. Tatsuya Hikichi at Mr. roman Leus para talakayin ang kanilang itatayong Fast food restaurant sa Lungsod.
Kasama si Atty. Cristine Collantes patuloy na gumagawa ng hakbang ang ating butihing Mayor kung papaano mas mapapaunlad pa ang Lungsod ng Tanauan. Kaniya ring binigyang diin na bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga kahilingan at pangangailangan.
Nabanggit niya rin ang kasalukuyang isinasagawang Business One Stop Shop sa Gymnasium 1 kung saan mabilis ng nakakapagproseso ng mga dokumento at pagbabayad ng buwis ang mga negosyante nating kababayan sa ating Pamahalaang Lungsod.
Previous “Kayo ang bukas ng Lungsod ng Tanauan”

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved