Mga negosyanteng namumuhunan sa Tanauan, patuloy ang pagkonsulta sa ating Punong Lungsod!

Mga negosyanteng namumuhunan sa Tanauan, patuloy ang pagkonsulta sa ating Punong Lungsod!
Patuloy ang pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama si Atty. Cristine Collantes sa iba’t ibang namumuhunan sa ating Lungsod bilang bahagi sa pagsasakatuparan na mapaunlad ang ekonomiya ng Lungsod ng Tanauan.
Sa pagbisita ng may-ari ng Sugar Mommy Cafe by Cof/Tea na si Ms. Arasan Chavez sa Tanggapan ng mga Mamamayan, ipinabatid ng ating butihing Mayor na kaniyang susuportahan ang mga nais mag-negosyo sa Tanauan.
Habang, ipinaalam niya rin ang malaking gampanin ng mga ito sa paglikha ng maraming kabuhayan sa ating mga kababayan, gayundin sa pagkamit na kilalanin ang ating Lungsod bilang isang Business-friendly City.
By: Fash
Previous 271 na mga Batangueño sa Ikatlong Distrito

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved