271 na mga Batangueño sa Ikatlong Distrito

271 na mga Batangueño sa Ikatlong Distrito, nabigyan ng Tulong Pinansyal sa tulong ni Congw. Maitet Collantes, Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at DSWD
Sa pamamagitan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, tagumpay na naipaabot kaninang umaga sa Maligaya Compound ang tulong pinansyal para sa ating mga kababayan mula sa Lungsod ng Tanauan at iba pang bayan sa Ikatlong Distrito ng Batangas.
Ang programang ito ay bahagi ng DSWD AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) na partikular na isinusulong ng Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes, at Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang Department of Social Welfare and Development para sa mga kababayan nating nangangailangan ng suportang pinansyal para sa medikasyon, hospitalization at pagpapalibing.
Samantala, para sa iba pang nais mag-apply ng financial, medical at burial assistance sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes, i-click lamang ang link na ito para sa iba pang detalye:
Habang para naman sa LOCAL AICS, bukas mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga Tanaueñong nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.
Previous Tulong pinansyal para sa mga magsasakang naapektuhan ng Volcanic Smog

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved