Mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, nakiisa sa 5S: ‘Big Seiso Day’
Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan sa bahay-pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, maagang sinimulan ngayong araw ang 5S: ‘Big Seiso Day’ na pinangunahan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, kasama ang 5S Focal Team ng bawat Tanggapan at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Gamit ang mga walis at iba pang kagamitan, tulung-tulong na nilinis ng mga kawani ang loob at labas ng New Tanauan City Hall. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng 5S Workplace Standards na isinasagawa sa lokal na pamahalaan upang masiguradong maayos, ligtas at napapanatili ang kalidad ng serbisyong inihahatid ng ating mga kawani.
Habang sa mensahe ni Mayor Sonny, malugod na pinasalamatan niya lahat ng kawaning nakiisa sa nasabing programa kabilang na ang Alpha Phi Omega Fraternity-Tanauan na nagpaabot ng agahan para sa ating mga kawani.
Bukod rito ibinalita rin ng alkalde ang nakatakdang renobasyon ng New Tanauan City Hall building sa tulong ng Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes.