Janopol Occidental Barangay Assembly, naging daan sa pagpapaigting ng mga programa para sa ating mga Senior Citizen!
Isang mainit na pagtanggap at kumustahan ang naganap kagabi sa Barangay Janopol Occidental para sa ating mga Senior Citizen, para sa pagpapalawig ng Consultative Leadership na magiging daan sa pagkalap ng mga impormasyon, ideya at mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
Dumalo rin at nakiisa sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes at Atty. Cristine Collantes sa nasabing aktibidad upang ihayag ang kanilang suporta sa ating butihing Mayor na mapaunlad ang Lungsod ng Tanauan at makatulong sa mabilis na paghahatid ng serbisyo sa ating mga Tanaueno.
Inihayag ni Mayor Sonny Perez Collantes, ang mga proyektong inihanda ng Pamahalaang Lungsod kabilang ang paglulunsad ng City Citizen’s Card, programa para sa Senior Citizenz, Scholarship Program at iba pang mga hakbangin para sa kagalingan at kaginhawaan ng bawat mamamayan sa Tanauan.
Present din at nagpahayag ng suporta si Kapitan Alberto Dalisay ng naturang Barangay kasama ang kaniyang maybahay upang makibahagi at makiisa sa mas malawak na paghahatid- serbisyo sa buong Janopol Occidental.