Educational Assistance

Educational Assistance, Bgry Trapiche.

TINGNAN | Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Trapiche
Umabot sa kabuuang 1,433 na mga mag-aaral mula Brgy. Trapiche ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance kaninang hapon katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Trapiche Brgy. Kap. Darwin Tan.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito si TWCC President Atty. Cristine Collantes at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Czylene Marqueses, Kon. Eric Manglo at Kon. BGEN. Ben Corona na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Serbisyong Collantes para sa MSMEs, umarangkada sa Brgy. Gonzales ngayong araw!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved