Mga Kabataang nagwagi sa iba’t ibang kompetisyon, kinilala ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Panibagong mga karangalan para sa Lungsod ng Tanauan ang naiuwi ng pitong (7) kabataang Tanaueño mula sa ginanap na Regional at National Festival of Talents.
Ang mga nasabing mag-aaral ay sina:
• Gerald James Barrion (Tinurik National High School) – 3rd Place, READ-A-THON (English Oratorical Composition and Presentation
• Mary Jasslene Rocha (Tanauan City Integrated High School) – 2nd Placer, National Festival of Talents / Champion, Regional Festival of Talents Sulatanghal
• Lauren Franchesca Mico (Pantay Integrated High School) – 2nd Placer, Regional Festival of Talents Exposition Nihongo
• Crismer Diane Cura (Bernardo Lirio National High School) – 2nd Runner Up, 2nd Placer, Regional Festival of Talents Exposition Spanish
• Avril Sanga (Natatas National High School) – 2md Runner Up, Regional Festival of Talents Exposition Chinese Mandarin
Sa kanilang pagbisita sa Tanggapan ng mga mamamayan ngayong araw, kanilang malugod na ibinalita sa ating Alkalde ang kanilang mga karanasan upang makamit ang karangalan gamit ang pagsasanay ng iba’t ibang lengguwahe sa tulong ng Special Program In Foreign Language ng DepEd Tanauan City.
Samantala, bilang sukli sa kanilang ipinamalas na husay, nagpaabot si Mayor Sonny ng munting regalo para sa mga mag-aaral at nagpasalamat sa kanilang dedikasyon ibinuhos para sa kompetisyon at para sa Lungsod.