Mini Miss U Princess Althea Velasco, wagi sa weekly competition ng It’s Showtime!

Mini Miss U Princess Althea Velasco, wagi sa weekly competition ng It’s Showtime!
Bumisita ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang ating Tanaueñang Mini Miss U na si Princess Althea Velasco ng Poblacion 7 upang masayang ibalita kay Mayor Sonny Perez Collantes ang kaniyang nakamit na panalo sa Mini Miss U segment ng “It’s Showtime”.
Habang game na game rin na nakipagkwentuhan si Princess Althea kay Mayor Sonny at ibinahagi nito ang ilan sa kaniyang mga “memorable experiences” kasama ang ilan sa mga kilalang artista at bibong kabataan na kasama sa kaparehong kompetisyon.
Ayon kay Mayor Sonny, ang paglahok ng ating mga kabataan sa mga national competition ay indikasyon ng husay at talento ng mga Tanaueño sa anumang larangan.
Previous Courtesy Call from Barangay Paang Bundok, Quezon City Officials.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved