“Kayo ang bukas ng Lungsod ng Tanauan”

“Kayo ang bukas ng Lungsod ng Tanauan”
Ito ang mensaheng binitawan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mga mag-aaral ng kolehiyo mula sa Tanauan City College na nais mag OJT sa ating Pamahalaang Lungsod.
Bilang suporta sa mga kabataan kaniyang tiniyak na maipadadama ng ating Lokal na Pamahalaan ang pangangalaga at suporta para sa kanilang sektor. Kaniyang binigyang diin na bukas ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa kanilang mga hinaing at mga pangangailangan.
Ang nasabing mga mag-aaral ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Public Administration na magiging kabahagi ng ating mga Tanggapan sa paghahatid ng serbisyo para sa ating mga kababayan.
Pinaalalahanan niya rin ang mga estudyante na paghusayan ang kanilang pag-aaral para sa pagkamit ng kanilang mga pangarap at huwag makakalimot na manalangin sa ating mahal na panginoon.
Previous ANUNSYO TANAUEÑO | BUSINESS PERMIT RENEWAL with NO PENALTY IS NOW EXTENDED!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved