Mga bagong Enumerators sa Lungsod ng Tanauan

Mga bagong Enumerators sa Lungsod ng Tanauan, makikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod para sa pagkalap ng impormasyon at datos sa bawat Pamilya sa ating Lungsod!
Malugod na tinanggap ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang mga bagong Enumerators na magiging katuwang ng ating City Social Welfare and Development Office sa pagsasagawa ng mga survey, upang tumungo sa mga komunidad sa pagkalap ng datos sa bawat pamilya sa Lungsod ng Tanauan.
Bilang paalala, nagbigay ng payo ang ating butihing Mayor para sa kanilang gagampanang tungkulin sa ating mga kababayan — “Gawin mo ng mahusay ang iyong trabaho at hahabulin ka nito dahil sa reputasyon mo”.
Bukas din ang ating Punong Lungsod para sa kanilang mga pangangailangan at patuloy na susuporta upang mapagtagumpayan ang tungkulin na iniatas sa kanila.
Previous BREAKING | CALABARZON, isinailalim na sa STATE OF CALAMITY

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved