BREAKING | CALABARZON, isinailalim na sa STATE OF CALAMITY bunsod ng pinsalang idinulot ng Severe Tropical Storm #PaengPH sa bansa alinsunod sa deklarasyon ni Pang. Bongbong Marcos.
Kabilang din sa nasabing Proklamasyon Blg. 84 ay ang Bicol Region (Region 5), Western Visayas (Region 6), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na malubhang naapektuhan din ng nasabing bagyo.