IKA-125 NA ARAW NG KALAYAAN NG BANSANG PILIPINAS

PAGTATAAS NG WATAWAT NG PILIPINAS SA LUNGSOD NG TANAUAN, TANDA AT BAHAGI NG PAGDIRIWANG NG IKA-125 NA ARAW NG KALAYAAN NG BANSA.
Ngayong umaga, Lunes ika-12 ng Hunyo 2023 – Bagamat naging maulan, hindi ito naging hadlang sa ating mahal na Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang kaniyang may bahay at Ina ng Ikatlong Distrito ng Batangas Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes upang itaas ang Watawat ng Pilipinas bilang tanda at bahagi ng Pagdiriwang ng ika-125 na Araw ng Kalayaan ng ating Bansa.
Ayon sa Mensahe ng Ating Mahal na Punong Lungsod, “And so today we re-affirm our commitment to our people hindi ho mangyayari ang lahat ng ito kung wala tayo sa isa’t-isa, kailangan magtulungan tayo para sa ikauunlad ng ating lungsod at ng ating Bayang Pilipinas. Kung hindi ho tayo magmamahal sa ating bansa wala na hong iba. Today we start celebrating each day as Independence Day, today we re-affirm our commitment to our people, today we are because they believe in us and because they believe in us, we must make sure that we will not fail them. Failure is never an option, Kailangan magtagumpay tayo para sa ating Bayan. Kaya mga kasama it is a sign from high above, umulan dahil marami tayong pagsubok na pagdadaanan, pero kagaya ng awit “May bukas na darating, Umagang Kay Ganda”, so let us work hand in hand, let us be the small heroes, let us be the role model of each every Filipino. It is truly my honour and privilege to speak before you today as the City Mayor of the City of Tanauan, together we will accomplish and try to fulfil the dreams of every family in Tanauan City. Mabuhay ang Tanaueño, Mabuhay ang Pilipino, Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan at Mabuhay ang ating inang bayang Pilipinas. Happy 125th Anniversary!”
Ang programa ay dinaluhan din ng ating Bise Alkalde Kgg. Atty. Jun-Jun Trinidad Jr., kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Bokal ng Ikatlong Distrito ng Batangas Kgg. Fred Corona, Department Managers/Executive Assistants, Dep-Ed Tanauan City, ilang mga miyembro ng Philippine Navy Reserve, Tanauan PNP, Tanauan BFP at Tanauan BJMP.
Previous C-Card Registration, tagumpay sa Brgy. Poblacion 1!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved