Social Workers

Association of Local Social Workers and Development Office Inc. (Batangas Chapter) Quarterly Meeting!

Mas pinalawig na Social Services Program para sa ating mga kababayan, tinalakay sa Association of Local Social Workers and Development Office Inc. (Batangas Chapter) Quarterly Meeting!
Sa pagpapaigting ng mabilis na pagpapaabot ng mga Social Services sa ating mga kababayan, isinagawa ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang Association of Local Social Workers and Development Office Inc. (Batangas Chapter) Quarterly Meeting.
Kabilang sa mga pinag-usapan ang mga napagtagumpayang programa at aktibidad ng kanilang organisasyon sa nakalipas na mga taon. Tinalakay rin ang pagbuo ng Technical Working Committee para sa isasagawang deliberation ng GAWAD PARANGAL ngayong taon. Bahagi rin nito ang pagbuo ng future development plans and programs ng kanilang samahan para sa ating Lalawigan.
Kaugnay nito, inihayag nina Mayor Sonny Perez Collantes na patuloy ang paglikha ng mga programa para sa bawat Barangay upang mas maipadama sa ating mamamayan ang mga serbisyo ng ating Lokal na Pamahalaan sa mga komunidad.
Gayundin ang pakikiisa ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na magsulong ng mga panukalang batas sa Kongreso para sa mas maraming pondo, proyekto at programa na maihahatid sa buong ikatlong distrito ng Batangas.
Previous 2023 2nd Local School Board Meeting SEF Budget.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved