๐๐ฎ๐ง๐จ๐ , ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ค๐ฅ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ซ๐๐ฉ๐ข๐๐ก๐; Mayor Sonny Perez Collantes Agarang Rumesponde
Kasalukuyang nagpapaabot ng tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa mga 120 pamilyang apektado ng sunog na sumiklab kagabi sa Brgy. Trapiche 1 kung saan agarang nirespondehan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang BFP R4A Tanauan City, BFP R4A Tanauan City Fire Station, Tanauan Local Social Welfare and Development at Sangguniang Barangay ng Trapiche.
Ayon sa ulat ng BFP Tanauan City, nagsimula ang sunog pasado 11:00 PM ng gabi ng ika-08 ng Mayo sa residential area ng Purok 1 kung saan 58 kabahayan ang tinupok nito. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Nagsilbing pansamantalang tirahan naman ng ating mga kababayan ang tahanan ni Brgy. Trapiche Kap. Darwin Tan kung saan agarang nagpaabot ng bigas, gamit pantulog at panluto at mga grocery packs.
Sa ngayon, inaasikaso na rin ng Tanauan CSWD ang evacuation area sa Brgy. Sambat para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.